Isang bente anyos na na delivery rider at residente ng Marikina City ang binawian ng buhay habang nakapila sa Sports Center sa Marikina City para sa ayuda.

Ayon sa Marikina City Police Public Information Office, biglang hinimatay ang bente anyos na si Engin Basco at isinugod ito sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Makalipas lamang ang 49 na minuto, idineklara na itong wala nang buhay ng kaniyang attending physician.

Ayon sa ospital, natural death ang ikinamatay ni Basco at wala na itong malay nang isugod sa ospital.

May hinala naman naman ang kapatid niyang si Jenny Flores na posibleng na-suffocate ang kapatid nito dahil sa matinding init dulot ng siksikan ng mga tao.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, alas nuebe ng umaga nagsimulang pumila ang kanyang kapatid.

Hiningian na rin ng panig ng Marikina City Police ang organizer ng pamimigay ng ayuda.