Tinawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na “unfriendly act” ang desisyon ng China na magpataw ng sanctions laban kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at sa kanyang pamilya.

Ayon sa DFA, bagama’t sovereign prerogative ng China ang ganitong hakbang, itinuturing itong hakbang na lalo pang nagpapalala sa relasyon ng dalawang bansa.

Batay sa ulat, ipinagbawal ng China ang pagpasok sa mainland China, Hong Kong, at Macau ng kalihim at ng kanyang asawa at anak dahil sa umano’y mga pahayag na laban sa interes ng China.

Sinabi rin ng Chinese foreign ministry na layunin ng hakbang na protektahan ang kanilang national sovereignty at security, ngunit hindi nito tinukoy ang partikular na mga pahayag ni Teodoro na pinagtutuunan ng isyu.

Wala pang pahayag ang opisina ni Teodoro hinggil sa naturang isyu.

-- ADVERTISEMENT --