Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang Filipino seafarer ang kabilang sa mga nawawala sa Sea of Hormuz matapos tamaan ng missile ng Iran ang barkong sinasakyan nito.

Kinilala ang 46 anyos na missing crew member na si George Francis Miranda ng Camarines Sur, na nagtatrabaho bilang motorman at oiler sa barko

Ayon sa maybahay ng Pinoy seafarer na si Chriz Miranda, sinabi nito na hindi talaga ruta ng barko ng kanyang mister ang lugar kung saan tumama ang missile.

Dineploy lamang anila sila roon para mag-rescue sa isa pang barko na binomba ng missile.

Kinumpirma rin ni Miranda na batay sa mga testigo, nasapul ng missile ang barko na sinasakyan ng kanyang asawa.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman naitago ni Miranda ang hinanakit nito sa Gobyerno ng Pilipinas sa aniya’y mabagal na pag-aksyon sa mga Pilipinong may emergency na pangangailangan sa gitna ng giyera sa Middle East.

Nabatid na may tatlo pang mga dayuhang seafarer na hindi on-duty ang nakatalon sa barko nang tamaan ng missile.

Hindi naman nakatalon ng barko ang mga on-duty na crew members kabilang na si George Francis Miranda.