Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) Cagayan ang mga may service and enterprises business na mag-renew ng kanilang accreditation.
Sinabi ni Seferino Umoquit ng nasabing tanggapan, ang renewal ng DTI accreditation ay hanggang January 31 ngayong taon.
Ipinaliwanag ni Umoquit na kailangan ang renewal ng accrediation ng mga nasabing negosyo upang maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang operasyon at makaiwas sa multa.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na 222 na nagpa-accredit nitong 2024 at inaasahan na madagdagan ito ngayong taon para sa mga wala pang accreditation.