Itinuring ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tsismis ang umano’y tangkang pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.

Sinabi ni Escudero na hindi niya papatulan ang mga nasabing mga issue na umano ay pawang mga kalokohan.

Gayonman, sinabi niya na nasa kamay ng mayorya ang kapalaran ng mga opisyal ng Senado, kabilang ang Senate president.

Kaugnay nito, pinabulaanan nina Senators Cynthia Villar at Loren Legarda na sangkot sila sa umano ay coup d’ etat sa liderato ni Escudero.

Sinabi ng dalawa na wala silang ideya sa nasabing usapin at naka-focus sila sa kanilang trabaho.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, kinumpirma ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada na may tangka na pagpapatalsik kay Escudero nitong nakalipas na mga linggo.

Gayonman, sinabi niya na hindi siya sangkot sa nasabing plano at itinaggiri ang ang alingasngas na siya ang papalit kay Escudero.