
Naghain ng ethics complaint ang ilang women’s rights advocates, akademiko, at feminist groups laban kay Senator-judge Pia Cayetano kaugnay ng umano’y pag-post nito ng “spliced” na video ni Akbayan Representative Chel Diokno habang nagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
Hiniling ng mga nagreklamo sa Senate Ethics Committee na imbestigahan at patawan ng kaukulang parusa si Cayetano dahil sa umano’y paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability at sa obligasyon ng isang senator-judge na maging patas sa pagdinig ng impeachment case.
Sa ngayon, wala pang pahayag si Cayetano kaugnay ng isinampang reklamo laban sa kanya.










