Nalasap ng Gilas Pilipinas ang unang pagkatalo nito sa Window 2 ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers matapos talunin ng New Zealand, 69-66, sa laban na ginanap sa MOA Arena.

Nagkaroon pa ng pagkakataon ang Nationals na maitabla ang laro at maipuwersa ito sa overtime, ngunit bigong pumasok ang three-point attempt ni Dwight Ramos sa mga huling segundo ng laban.

Nanguna si Ramos sa opensa ng Gilas matapos magtala ng 16 puntos at walong rebounds, habang nag-ambag naman si CJ Perez ng 15 puntos.

Susunod na haharapin ng Gilas ang powerhouse na Australia sa Linggo sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa qualifiers.