Tinatayang aabot sa halos P180 bilyon ang pondong maaaring gamitin ng ehekutibo para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.

Si Gatchalian, na dating pinuno ng Senate Finance Committee na tumalakay sa 2026 national budget, ay nagsabing mahalaga ang agarang pagpapalabas ng pondo upang mapabilis ang recovery ng mga apektadong komunidad.

Ayon sa kanya, bahagi ng nasabing halaga ay maaaring gamitin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan tinatayang hanggang P18 bilyon ang nakalaan para sa disaster risk reduction at reconstruction efforts.

Maaaring gamitin ang pondo sa pagpapaayos at muling pagtatayo ng mga imprastrakturang nasira dahil sa malakas na pagyanig, kabilang ang mga gusali at iba pang pangunahing pasilidad.

Giit ng Senate leader, may sapat na nakalaang pondo para sa rehabilitasyon at ang pangunahing hamon ay ang mabilis na pagproseso at paglabas nito upang agad na makabangon ang mga apektadong lugar sa Mindanao.

-- ADVERTISEMENT --