
Hinimok ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pabilisin ang pagpuno sa 133 bagong plantilla positions para sa mga espesyalistang tutugon sa pangangailangan ng learners with disabilities.
Kabilang dito ang mga posisyon para sa Senior Education Program Specialists, Education Program Specialist IIs, Physical Therapist IIs at Occupational Therapist IIs.
Ayon kay Gatchalian, mahalagang mapunan agad ang mga posisyon upang mas mapalawak ang access ng mga mag-aaral na may kapansanan sa kinakailangang suporta at serbisyo sa paaralan.
Bahagi rin ito ng pagpapatupad ng Inclusive Education Act, kabilang ang pagtatatag ng Inclusive Learning Resource Centers at iba pang programa para sa learners with disabilities.










