Dagdag-bawas ang inaasahang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtataya ng oil industry sources, mayroong inaasahang rollback sa diesel at kerosene; pero umento naman ang sa gasolina.
Sa diesel, mayroong inaasahang bawas mula P0.80 hanggang P1.00 kada litro.
P0.90 hanggang P1.10 naman ang namumurong rollback sa kada litro ng kerosene.
Sa gasolina, mayroong inasahang P0.40 hangggang P0.60 na umento kada litro.
-- ADVERTISEMENT --
Ang tinitingnan pa ring dahilan ay ang pagtaas sa demand ng gasolina; habang bumaba naman ang demand sa diesel.
Araw ng Lunes, ia-anunsyo ang official price adjustment; habang magiging epektibo ito sa araw ng Martes.