
Mainit na tinanggap ng ilang opisyal ng Tuguegarao City at mga guro, opisyal at estudyante ng University of Saint Louis ang kauna-unahang Olympic Gold Medalist weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo bilang pangunahing panauhing pandangal sa 61st anniversary ng unibersidad ngayong araw.
Bilang pagkilala ng unibersidad sa malaking ambag ni Hidilyn sa larangan ng sports, ipinagkaloob sa kanya ang Degree of Doctor of Humanities, Honoris Causa.
Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Doctor Hidilyn sa pagkilala na ibinigay sa kanya ng unibersidad.
Ibinahagi din niya ang kanyang naging karanasan sa kanyang 23 taon na journey sa weightlifting, ang kanyang mga pinagdaanan na mga sakripisyo, pagsubok, at tagumpay sa likod ng kanyang makasaysayan na achievement.
Sinabi din niya ang posibleng collaboration sa unibersidad sa hinaharap, na magbubukas ng oportunidad para sa shared advocacies na magsisilbing inspirasyon at magpapalakas sa susunod na mga henerasyon.
Mananatili si Hidilyn sa lungsod hanggang sa February 11.










