Hindi lang basta-basta ang simula ng 10th Pinya Festival ng bayan ng Pudtol sa Apayao noong June 26, 2025, dahil binuksan ito sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanilang ginawang nakakamanghang higanteng pinya.
Ito ay kasabay din ng International Pineapple Day.
Ito ay may taas na 32.81 feet mula sa 2, 823 na mga sariwang pinya.
Ang katawan ng pinya ay may taas na 20.67 feet, ang mga dahon naman ay 11.48 feet, at ang base nito ay .66 ft, habang ang lapad nito ay 11 ft.
Sinabi ng LGU ng Pudtol na nagmula sa mga inani ng mga magsasaka ang halos 3,000 na sariwang pinya na ginamit nila sa nasabing obra.
Ayon sa mga opisyal ng Pudtol, ang nasabing nakakamangha na obra ay hindi lamang pang-display, sa halip ito ay pagkilala sa collective spirit, creativity, at hard work ng workforce ng kanilang bayan.
Ipinagmamalaki ng Pudtol ang kanilang matatamis na pinya.
Layunin ng Pinya Festival na i-promote ang Pudtol bilang pangunahing producer ng pinya, at ang kanilang commitment sa agro-tourism at ang kanilang lumalago na pineapple industry.