
Hiniling ng International Criminal Court (ICC) Prosecution sa mga judges na ipaliwanag ng defense counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang papel ng anim na Filipino lawyer.
Ang mga ito ay kinabibilangan nina Salvador Medialdea, Salvador Panelo, Martin Delgra, Silvestre Bello III, Alfredo Lim, at Cesar Dulay.
Sila ay ipinakilala ni Defense Counsel Nicholas Kaufman na tumulong at sumuporta kahit na nakaupo lamang ang mga ito sa gallery.
Una ng sinabi ni Kaufman na dalawa sa mga dito na sila Medialdea at Delgra ang tumutulong mula pa noon.
Habang kinumpirma ni Panelo na ang defense team ay nakatakdang makipagpulong sa mga Filipino lawyers para talakayin ang estratehiya sa pagdinig.
Sa anim na pahinang inilabas na na may petsang Marso 6, na ang pahayag nina Kaufman at Panelo ay magbibigay ng impresyon na ang anim ay miyembro nga ng defence ni Duterte.
Dahil dito ay hiniling ng ICC Pre-Trial Chamber 1 ang defense lawyers na maghain na ang anim na nabanggit ay hindi miyembro ng defence tea sa kaso.
Nais din ng Prosecutors na dapat ilagay ng defense sa recor na ang mga aboagdo ay hindi makakatanggap ng anumang disclosure sa kaso, hindi makaka-access sa anumang non-public filing sa kaso, hindi makakatanggap ang mga ito ng anumang non-public information na may kinalaman sa kaso at hindi entitled na legally privileged meeting o makipagpulong ng personal sa dating pangulo sa Detention Center.
Dagdag pa ng prosecutions na nakasaad sa Articles 68 ng Rome Statue, na mayroon silang katungkulan na tugunan para maprotektahan ang kaligtasan, physcial at psychological well-being, dignity at privacy ng biktima at mga witnesses.
Maguguntang isinagawa noong Pebrero 23 hanggan 27 ang confirmation of charges hearing ni Duterte sa kaso nitong crimes against humanity.










