Nanawagan ang ilang grupo na pinangunahan ng clean election advocates ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang pag-amin ni Senator Rodante Marcoleta tungkol sa kanyang hindi idineklara na campaign contributions, na ayon sa kanila ay paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC).

Sa apat na pahinang sulat, nanawagan ang mga grupong Kontra Daya at Advocates of Public Interest Law kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na imbestigahan ang posibleng tax fraud at donor’s tax violations ni Marcoleta.

Tinukoy ng mga nasabing grupo ang panayam kay Marcoleta kung saan inamin niya na tumanggap siya campaign donations subalit nabigo siyang ideklara kung magkano ang halaga sa kanyang sinumpaang statement of contributions and expenditures sa kanyang inihain sa Commission on Elections.

Ipinaliwanag ni Marcoleta na hindi niya sinadya ang nondisclosure, para umano itago ang mga nagbigay sa kanya ng donasyon.

Ayon sa mga grupo, sa kabila ng pag-amin ni Marcoleta na tumanggap siya ng campaign funds, nagdeklara siya ng zero contributions.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ng mga ito na ang mga donasyon ay dapat na may donor’s tax, sa ilalim ng NIRC, bagamat may maaaring exempted ito sa ilang pagkakataon.