Sabay na namatay ang ina at kapatid na babae ni Mariah Carey na sina Patricia at Alison.

Sinabi ni Carey na nagdadalamhati siya dahil sa wala na ang kanyang ina at kapatid nitong araw ng sabado.

Sa kabila nito, sinabi ng Grammny-winning singer na blessed pa rin siya dahil nakasama niya ng ilang araw ang kanyang ina bago siya pumanaw.

Ayon sa report, si Alison ay matagal na nawalay kay Carey, ay namatay sa edad na 63 dahil sa komplikasyon sa kanyang organ function at namatay siya sa isang hospice care.

Idinitalye ni Carey ang complicated relationship niya sa kanyang ina at kapatid sa kanyang memoir, kung saan isinulat niya na lagi silang nag-aaway ng kanyang ina, na nagresulta ng sakit at kalituhan, at inakusahan niya ang kanyang kapatid na inilagay siya sa sitwasyon na hindi ligtas bilang isang bata.

-- ADVERTISEMENT --