Inilabas ng mga awtoridad ng Indonesia ang video ng pag-aresto sa sinibak na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa Tangerang City sa Banten, Indonesia noong araw ng Martes.

Makikita sa video na kumatok ang maraming operatiba sa pintuan ng inupahang apartment na pinagbuksan naman sila ni Alice.

Nakasuot pa ng pajamas si Alice at hinilingh sa mga pulis na magpalit siya ng damit.

Batay sa report, kasama ni Alice ang kanyang ina nang siya ay maaresto.

Isinagawa ng mga awtoridad ng Indonesia ang pagtugis sa lahat ng mga pugante bago ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Si Guo ay nahaharap sa mga kasong money laundering, graft and corruption, at human trafficking dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal POGO operation sa Bamban.