Ipinahayag ng Israel, batay sa dalawang source na may kaalaman sa insidente, na umano’y nasawi na si Ayatollah Ali Khamenei kasunod ng isinagawang pag-atake ng Israel at ng United States noong Sabado, Pebrero 28, 2026.

Ayon sa isa sa mga source, nakakuha umano ang Israel ng larawan ng bangkay ni Khamenei. Samantala, sinabi ng ikalawang source na naghahanda na raw ang pamahalaan ng opisyal na pahayag kaugnay nito. Nauna nang sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na may mga indikasyon na si Khamenei ay “no longer with us.”

Gayunman, mariing itinanggi ito ng tagapagsalita ng Iranian Foreign Ministry na si Abbas Araghchi, at iginiit na ang pangulo at ang Supreme Leader ng Iran ay “safe and sound.”

Si Khamenei ang pumalit kay Ayatollah Ruhollah Khomeini, lider ng 1979 Islamic Revolution, at may huling kapasyahan sa mahahalagang polisiya ng bansa. Pinamumunuan din niya ang clerical establishment at ang paramilitary Revolutionary Guard—dalawang pangunahing haligi ng kapangyarihan sa sistemang theocratic ng Iran.

Sa kabila ng mga ulat, wala pang opisyal na kumpirmasyon at hindi pa rin nakikita sa publiko ang lider ng Iran mula nang magsimula ang serye ng mga pag-atake.

-- ADVERTISEMENT --