TUGUEGARAO CITY – Ang madulas na kalsada dahil sa pag-ulan ang nakikitang dahilan ng PNP sa banggaan ng trailer truck at closed van sa Tuao, Cagayan kagabi.

Dead on arrival sa ospital ang driver ng van na si Arnel Ulakit habang sugatan ang kanyang pasahero.

Sugatan din sa insidente ang pitong sakay ng trailer truck.

Sinabi ni PSSgt. Voltaire Cabbangan ng PNP Tuao, inaalam na nila ang sinasabing namatay na rin ang ang dalawang iba kabilang ang isang babae.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, sa kanilang imbestigasyon, tinangka umano ng driver ng truck na iwasan ang isang drop wire at biglang nagpreno subalit dumiretso ito sa kabilang linya ng kalsada dahil sa madulas umano ang daan dahil basa ito sa ulan na dahilan para mabangga nito ang van.

Ang pasahero ng van ay si Michael Ulakit habang ang driver ng truck ay si Jessie Dumenden at may pitong pasahero na pawang mga taga- Tuao.