TUGUEGARAO CITY-Narekober sa lalawigan ng Kalinga ang isang motorsiklo na napaulat na nawawala sa lungsod ng Tuguegarao.

Nabatid na sinubukan pang itakas ng suspek na nakilala lamang sa pangalang Abner Baligod ang motorsiklo nang ito ay marekober ng mga Barangay officials sa gilid ng kalsada ng Barangay Abayao, Pinukpuk.

Sinamantala umano ng suspek na itakas ang motorsiklo habang ginagawa ang receipt para sa releasing nito na dahilan upang itawag ng mga barangay officials sa kapulisan.

Mula sa bayan ng Pinukpuk ay nakarating ang suspek sa Tabuk City, kung saan inabandona niya ang motorsiklo sa Barangay Masablang at tumakas.

Nabatid na nakapangalan ang motorsiklo kay Jay Talosig, 43-anyos ng Barangay Pallua Sur, Tuguegarao City na nawawala noong gabi ng September 15 o madaling araw ng September 16.

-- ADVERTISEMENT --

Naabisuhan na rin ng pulisya si Talosig kaugnay sa narekober na motorsiklo habang patuloy na pinaghahanap ang nakatakas na suspek.