TUGUEGARAO CITY-Nagsasagawa nG malalimang imbestigasyon at hot pursuit operation ang mga otoridad kaugnay sa pagdukot umano sa isang negosyante sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ayon kay PCAPT Shiela Joy Fronda ng PNP Cagayan na pasado 8:00 ng March 27 nang maiulat ang pagdukot kay Romel Hoseña, 43 anyos, miyembro ng Board of Director ng NAWASA, Aparri at residente sa Brgy. Progressive, Gonzaga.

Inihayag niya na nakita sa kuha ng CCVT ang ginawang pagdukot at puwersahang pagsakay ng lima mula sa tinatayang nasa sampung kalalakihan na sakay ng pulang Toyota Innova na may plakang WPM623 sa biktima nang bumaba siya sa kanyang kotse sa harap ng kanilang bahay matapos ihatid ang anak sa eskwelahan.

Matapos maisakay ang biktima sa sasakyan ng mga kidnappers ay nagmadaling tinahak ng mga suspek ang direksyon patungong Sta. Teresita, Cagayan.

Sinabi ni Fronda na sa ngayon ay wala pang malinaw na motibo o dahilan sa pagdukot sa biktima kayat patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga otoridad sa mga kaanak nito upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga tumangay sa biktima.

-- ADVERTISEMENT --