
Inanunsiyo ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang P1.00 na dagdag sa pasahe para sa traditional jeepneys at P2.00 naman para sa modern jeepneys sa gitna ng panibagong pagtaas sa presyo ng langis bunsod ng kaguluhan sa Middle East.
Kasama rin sa fare increase na P2.00 ang provincial busese, metro buses, airport taxis, at P2P.
Sinabi ni Lopez, magsisimulang ipatupad ang dagdag-pasahe sa Huwebes.
Ang pagtaas sa pasahe at bunsod ng patuloy na tensyon sa Middle East, na matinding nakakaapekto sa presyo ng mga produktong petrolyo sa world market.
Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paglalabas ng P5,000 cash assistance para sa public utility vehicle drivers upang maibsan ang bigat ng epekto ng oil price shocks.










