Nawawala umano si Geneva Sarita Lopez, isa sa 2024 Mutya ng Pilipinas Pampanga candidates kasama ang kanyang boyfriend na si Yitshak Cohen, isang Israeli, buhat noong June 21.

Naglabas ng public notice ang pageant organization kaugnay sa pagkawala ni Lopez na kinatawan ng Sto. Tomas, Pampanga para sa Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024

Kasabay nito, niliaw ng organizer na wala silang official schedule sa nabanggit na araw dahil araw umano ng pahinga ng mga kandidata.

Sinabi pa nila na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad ukol sa nasabing pangyayari.

Iniulat ng pamilya ni Lopez na nawawala ang dalawa sa Angeles City police.

-- ADVERTISEMENT --

Kasunod nito ay may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa Tarlac na may inabandonang nasusunog na sasakyan at may nakita na mga dokumento na may pangalan si Lopez.

Pumunta umano sina Lopez at Cohen sa Capas, Tarlac para makipagkita sa isang indibidual na mayroon silang transaksion sa isang ari-arian.