Nlinaw ngayon ng pulisya na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon online na may sindikatong nangunguha ng bata na sangkot ang isang puting van sa Cagayan Valley.

Sa panayam kay PMAJ Sharon Mallillin, tagapagsalita ng PRO-02, sinabi nitong fake news ang kumakalat sa facebook post na may mga nawawalang bata sa bayan ng Abulug, Claveria, Sanchez Mira at Ballesteros sa Cagayan at Ilagan sa Isabela.

Dagdag pa niya na wala namang natatanggap na report ang mga police station sa rehiyon at wala ring ebidensya na may mga nawawalang bata.

Panawagan ni Mallillin sa mga social media user na maging responsable sa paggamit nito at huwag basta-basta mag-share ng anumang unverified information upang maiwasang pagmulan ng pag-panic o takot ng publiko.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Anti-Cybercrime Group upang tukuyin ang mga taong nasa likod ng nagpapakalat ng fake news.

-- ADVERTISEMENT --