Nakakakilabot umano ang mga pahayag ng mga umano’y biktima ng pang-aabuso ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Apollo Quiboloy na lumapit sa PNP.

Sinabi ni Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Col. Jean Fajardo, batay sa salaysay ng mga biktima, pagkatapos umano silang gamitin ni Quiboloy

Ganito ilarawan ni Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Col. Jean Fajardo ang pahayag ng umano’y mga biktima ng pang-aabuso ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Apollo Quiboloy na lumapit sa PNP.

Ayon kay Col. Fajardo, batay sa pahayag ng mga biktima, pagkatapos umano silang gamitin ni Quiboloy, sinasabihan sila na sila ay dalisay pa rin dahil ang nakipagtalik sa kanila ay espiritu ng Diyos.

Sinabi pa ni Fajardo na habang ikinukwento sa kanya ang mga naging karanasan ng biktima sa mga kamay ni Quiboloy, hindi niya maiwasang kilabutan at manlumo.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, kada araw umano ay iba-iba ang mga babaeng menor de edad na ginagamit ni Quiboloy kung saan ang pinakabata ay 12 taong gulang.

Aniya, naka-schedule ang mga biktima at paulit-ulit silang minomolestiya ni Quiboloy.

Kaugnay nito, nangako ang PNP na igagawad ang hustisya sa mga kaawa-awang biktima ng pangmomolestiya ni Quiboloy.