
Nilinaw ng aktres na si Kylie Padilla na wala siyang balak na insultuhin ang kanyang ama na si Senator Robin Padilla.
Reaksyon ito ni Kylie sa isang viral na video niya kung saan sinabi niya sa isang panayam na aalis siya ng Pilipinas kung tatakbo ang kanyang ama bilang bise presidente kung ipag-uutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ni Kylie sa kanyang post sa X na ang ibig sabihin ng kanyang pahayag na aalis siya ng Pilipinas ay dahil gusto niya ang tahimik na buhay.
Idinagdag pa niya na tiwala siya sa judgement ng kanyang ama at sa lahat ng kanyang ginagawang mabuti para sa bansa.
Ginawa niya ang paglilinaw matapos makatanggap ng batikos mula sa ilang netizens na nag-interpret ng kanyang biro bilang pambabastos sa ama.
Ayon kay Kylie, karapatan rin niya na piliin ang buhay na tahimik at payapa.
Matatandaan na sinabi ni Robin Padilla noong Pebrero 20 na bukas siya sa posibilidad na tumakbo bilang Bise Presidente at maging running mate ni Vice President Sara Duterte, kung hihilingin ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.










