
Pamumunuan ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang Senate Blue Ribbon Committee kapalit ni Senador Rodante Marcoleta, ayon kay bagong Senate President Vicente Sotto III.
Sabi ni Sotto, hindi naman maaaring manatili si Marcoleta bilang pinuno ng komite dahil hindi naman siya kasapi ng mayorya.
Paglilinaw ni Sotto, wala naman sa rules ng Senado na kailangang abogado ang mamuno sa Senate Blue Ribbon Committee at naniniwala rin siya sa ‘investigative prowess’ ni Lacson.
Matatandaan na ang blue ribbon committee ang nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Samantala, kinumpirma din ni Sotto na mananatiling chairman ng Senate finance committee si Senador Sherwin Gatchalian.
-- ADVERTISEMENT --