TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong panggagahasa ang isang lalaki matapos pwersahang pasukin at gahasain ang dati nitong nakarelasyon sa bayan ng Sta Teresita, Cagayan.

Ayon kay Pcapt. Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP-Sta Teresita, madaling araw nitong linggo nang pasukin ng suspek na si Reygie Garo, 39-anyos ng Brgy. Simpatuyo ang bahay ng biktima na kinilala lamang sa pangalang Ema, 28-anyos.

Tinutukan umano ng suspek ang biktima ng “balisong” kung kaya’t hindi na nagawang makahingi ng tulong si Ema at naisagawa ang panggagahasa.

Nakatulog umano ang suspek sa loob mismo ng bahay ng biktima matapos ang panggagahasa dahil ito ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Dahil dito, nagawang makahingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kapitbahay at agad na tumawag sa kapulisan kung saan kanilang naabutan ang suspek sa bahay mismo ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Depensa ng suspek, hindi umano niya alam ang kanyang ginagawa dahil sa kalasingan.

Nabatid na walang kasama ang biktima sa kanyang bahay dahil hiwalay na rin sa asawa habang ang suspek ay isa na ring balo pero taong 2013 ng maging magkarelasyon ang dalawa ngunit sila’y naghiwalay di.

Sa ngayon, hawak na ng kapulisan ang suspek maging ang ginamit na balisong.