TUGUEGARAO CITY-Tinutugis na ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa Flora,Apayao kagabi.

Sinabi ni Police Col. Cezar Tannagan,director ng Apayao PNP na batay sa kanilang imbestigasyon,may inuman sa isang bahay sa Poblacion West,Flora dahil sa disperas ng kasal.

Nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa mga nag-iinuman na sina Ronald Busay,42 at Silverio Juan, retired personnel ng Bureau of Fire Protection.

Dito na umano binaril ni Juan si Busay na tinamaan sa kanang pisngi na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sinabi pa ni Tannagan na dati na umanong may alitan ang dalawa na naungkat habang sila ay nag-iinuman

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito,itinigil ang kasiyahan kagabi ng mga iba pang mga bisita.

Sa kabila nito,itinuloy pa rin ang kasal ngayong araw na ito.