Naniniwala ang isang eksperto sa batas na maaga pa para makialam ang Korte Suprema sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte dahil nasa unang yugto pa lamang ito sa Kamara.
Ayon kay UP Law associate dean Paolo Tamase, ang paghahain ng petisyon ng kampo ni VP Sara Duterte para sa temporary restraining order ay nagpapakita ng kanilang estratehiya, ngunit hindi pa angkop ang interbensyon ng Korte Suprema sa ganitong maagang bahagi ng proseso.
Binigyang-diin niya na kung muling makikialam ang Korte Suprema, maaaring magkaroon ng epekto sa balanse ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan at magmukhang pinangangasiwaan nito ang proseso ng impeachment.
Dagdag pa niya, dapat ipagpatuloy ng House of Representatives ang imbestigasyon nang maayos at transparent, bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa ilalim ng Konstitusyon.










