TUGUEGARAO CITY- Nakakulong na sa Cagayan ang mag-ama na naaresto sa Ilocos Sur dahil sa kasong murder.

Sinabi ni PCapt. Gilbert Danga, hepe ng PNP Ballesteros na nakipag-ugnayan sila sa Sto.Domingo PNP sa Ilocos Sur matapos na malaman na nasa lugar ang mga akusado na sina Leopoldo Macatuggal, 75 at kanyang anak na si Manuelito, 52.

Ayon kay Danga, ang anak ay number one sa wanted list habang number seven sa listahan naman ang kanyang ama sa Cagayan.

Sinabi nui Danga na ang kaso ng mag-ama ay nag-ugat sa pananaksak nila sa isang indibidwal noon pang 1998 sa Ballesteros.

Ayon sa kanya, agad na nagtago ang mag-ama hanggang sa mapadpad sa Ilocos Sur at dahil sa tagal na hindi sila nahuhuli ay nagkaroon na rin umano sila ng hanapbuhay sa Sto. Domingo.

-- ADVERTISEMENT --