TUGUEGARAO CITY-Tinutugis na ng PNP ang isa sa dalawang suspek na bumaril sa mag-live-in partner na kapwa guro sa Ballesteros,Cagayan kagabi

Kinilala ni PSMSgt.Jacob Manalan ang namatay na si Mark Alvin Sison habang sugatan ang kanyang live-in partner na si Olivia Turingan, parehong guro matapos silang pagbabarilin umano ng mga suspek na sina Arnold Ubarre at Lonfelo Duyan,magpinsan

Sinabi ni Manalan na naghahanda umano ang mga biktima ng mga invitation cards para sa kanilang kasal sa April 8,2019 nang buksan umano ng mga suspek ang kanilang bintana at sila ay pinagbabaril

Ayon kay Manalan, bago ang insidente,nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng mga suspek sa ama ng babae matapos na dinuruduru siya ni Arnold habang siya ay sakay ng motorsiklo

Sinundan pa ito ng away subalit naawat umano ng kanilang kapitan sa Brngy.Fugu

-- ADVERTISEMENT --

Bumalik umano ang mga suspek kagabi at dito na pinagbabaril ang mag-live-in partner

Nagtamo ng tama ng baril sa braso ang lalaki na tumagos sa kanyang katawan na dahilan ng kanyang pagkamatay habang sa kanang kamay din ang tama ng babae na ngayon ay nasa maayos nang kalagayan

Agad naman na nahuli si Lonfelo habang nakatakas si Arnold na isa umanong security guard sa Manila at bumibisita lamang sa nasabing lugar

Sinabi pa ni Manalan na itinanggi ni Lonfelo na sila ang bumaril sa mga biktima dahil nang marinig nila ang mga putok ng baril ay natulog umano sila

Subalit, sinabi ni Manalan na inihahanda na nila ang kaso laban sa dalawa matapos na matanggap ang reklamo ng pamilya ng mga biktima