photo credit: PNP Tuao

TUGUEGARAO CITY-Dead-on -arrival sa pagamutan ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa bayan ng Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Dela Cruz, 65-anyos, magsasaka ng Barangay Bugnay sa nasabing bayan.

Ayon kay Police Col. Renell Sabaldica, Provincial Director ng PNP-Cagayan, kasalukuyang nakaupo ang biktima sa isang repair shop sa Barangay Palca nang biglang dumating ang dalawang suspek na lulan ng motoriklo at pinagbabaril ang biktima.

Hindi pa mabatid sa ngayon kung ilan ang tinamong tama ng baril ng biktima pero may nakitang siyam na basyo ng bala ng calibre 45 na baril sa pinangyarihan ng pamamaril.

Aniya, nakasuot ng helmet at itim na jacket ang mga suspek kung kaya’t hindi nakilala ang mga ito maliban lamang sa mismong bumaril sa biktima na nasa 5’6 ang tangkad.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, sinabi ni PCol. Sabaldica na may sinusundan na silang lead sa pamamaril pero bigo nitong idinetalya para hindi masira ang kanilang ginagawang imbestigayon.