Magkakaroon ng bahagyang luwag ang mga motorista ngayong linggo matapos na ianunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang bawas sa presyo ng mga produktong petrollyo, bagamat hindi ito sapat para makabawi sa anim na linggo na sunod-sunod na oil price hikes.

Sa hiwalay na advisories, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. ang bawas sa presyo ng gasolina ay P1.40 per liter, diesel P1.80 per liter, at P2.20 sa kerosene.

Ipapatupad din ng Cleanfuel ang nasabing price adjustments, bukod sa kerosene.

Magiging epektipibo ang oil price adjustments 6 a.m. bukas, unang araw ng buwan ng Hulyo, para sa lahat ng kumpanya ng langis maliban sa Cleanfuel na ipatutupad ito ng 8 a.m.

Unang tinaya ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, kasunod ng ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel na nagpakalma sa global crude oil prices.

-- ADVERTISEMENT --

Nitong nakalipas na linggo, P3.50 ang itinaas sa presyo ng gasolina, P5.20 sa diesel, at P4.80 sa kerosene.