
Hindi pinag-iinitan si Vice President Sara Duterte.
Ito ang bwelta ng Malacañang sa pahayag ni VP Sara na tinatarget umano ng administrasyon ang mga senador na nakikipag-ugnayan o tumutulong sa kanya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na walang katotohanan ang akusasyon at isa na naman umano itong imbento.
Giit pa ni Castro, ilang ulit nang nagpakalat ng maling impormasyon ang Bise Presidente.
Dadag pa ni Castro walang pananakot o harassment na nagaganap laban sa mga senador at wala rin umanong ebidensya ang paratang kaya hindi ito dapat basta paniwalaan ng publiko.
-- ADVERTISEMENT --










