Muling naglunsad ng missile attacks ang Israel sa Iran at Lebanon.

Ayon sa Israeli military na ang kanilang targets ay mga imprastrakture ng Hezbollah sa katimugang bahagi ng Beirut.

Ayon naman sa Central Command, sinira ng US forces ang 16 Iranian mine-laying ships, matapos na balaan ni President Donald Trump ang Iran laban sa paglalagay ng mga bomba sa Strait of Hormuz.

Una rito, sinabi ng hepe ng pulisya ng Iran na paparusahan ang sinoman sa kanilang mga kababayan na magpoprotesta laban sa kanilang bansa.

Patuloy naman ang panawagan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa mga mamamayan ng Iran na talikuran na ang rehimen ng Ayatollah at bawiin ang kanilang kalayaan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, pumanaw na ang isang lalaki na nagtatrabaho para sa Red Cross, dahil sa mga tinamong sugat nang tamaan ng pag-atake ng Israel ang kanilang team habang nagsasagawa ng pagliligtas sa mga tao, ayon sa Health Ministry ng Lebanon.

Isa ring miyembro ng Red Cross ang nasugatan sa pag-atake nitong Lunes.

Mariing kinondena ng Health Ministry at Lebanese Red Cross ang mga pag-atake ng Israel sa medical at rescue teams.