TUGUEGARAO CITY-Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang lahat ng mga kumandidato sa katatapos na midterm elections na maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures bago ang deadline sa June 13,2019.
Sinabi ni Atty.Julius Torres,director ng Comelec Region 2,natalo man o nanalo sa eleksion ay dapat na maghain ng kanilang SOCE upang hindi sila maharap sa kaukulang kaso.
Kasabay nito,nagbabala si Torres sa mga hindi maglalagay sa kanilang SOCE ng totoo nilang campaign expenditures
Sinabi niya na kung matuklasan ng binuong task force ng Comelec central office na nagsinungaling ang nanalong kandidato sa kanyang SOCE ay pwede siyang matanggal sa kanyang puwesto kung ito ay mapatunayan.