Patuloy paring inaalam kung sino ang mga nasa likod ng pagnanakaw at pagkatay ng isang baka sa Brgy.Dadda, Tuguegarao City.

Kinilala ni PCAPT Ana Marie Anog, information officer ng PNP Tuguegarao ang biktima na si alyas Fely, 71 anyos at residente ng nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na umaga umano nang mapansin ng isang care taker ng kalabaw na si alas Jomer na nawawala ang kanyang pinastol na kalabaw sa lugar kung saan niya ito tinali.

Sa kanyang paghahanap ay nadiskubre nito ang isang baka na nakatay sa isang sementeryo sa nasabing barangay 500 metro ang layo mula sa pinagpastolan niya ng kanyang kalabaw.

Nakita aniya ito sa isang farm kung saan kinatay ang baka saka hinila sa isa pang farm at dito na nagtanggal ng karne na aabot sa 100 kilo ang kinuha ng mga salarin.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa salaysay ng biktima ay itinali umano niya ito 500 metro ang layo mula sa taas ng bundok at inakalang ligtas ang kanyang alaga dahil itinali nito ng mabuti.

Sa ngayon ay hindi pa makasuhan ang mga itinuturong suspek dahil wala umanong nakakita nang mangyari mismo ang insidente at wala pang kaukulang ebidensya.