Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pilipino sa bansa na mag-ingat at manatili sa loob ng bahay sa nakatakdang burol ng Hezbollah leader na si Sayyed Hassan Nasrallah ngayong Linggo, February 23.

Sakaling kailanganin ng tulong, maaaring kontakin ng permanent residents ang Embassy ATN hotline sa 70 858 086, habang maaaring tumawag ang mga manggagawang Pinoy sa Migrant Workers Office Hotline sa 79 110 729.

Napaslang si Nasrallah sa Israeli airstrike sa central command headquarters ng Hezbollah sa southern suburbs ng Beirut noong September 2024, batay sa Israeli military.

Iniulat ng Lebanese Health Ministry na nagresulta ang Israeli attacks mula noong September 2024 sa mahigit 1,000 pagkamatay at 6,000 injuries, kung saan tinatayang 1 milyong indibidwal ang inilikas.