
Patay ang 38-anyos na miyembro ng Philippine Coast Guard matapos siyang barilin sa Bgy. 465, Sampaloc, Manila, bandang 3:55 ng madaling araw ngayong araw.
Ayon sa pulisya, nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo at ilang bahagi ng katawan.
Kinilala ang biktima na si Apprentice Seaman Al Hazil Tati, 38-anyos.
Kwento ng ilang residente, bago ang pamamaril, nakita pa ang biktima at ang salarin na nagsuntukan.
Ilang sandali lang ay bumunot ng baril na .45 calibre ang suspek at binaril ang biktima.
Bago mag-alas-7 ng umaga, dumating ang mga kasamahan ng biktima sa Philippine Coast Guard.
Hindi na rin isinailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima dahil isa siyang muslim.
Ang sasakyan na rin ng PCG ang nadala sa mga labi ng biktima sa punerarya.
Tumanggi rin muna silang magbigay ng pahayag.










