Nahanap na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nawawalang missing person deprived of liberty (PDL) sa isang pasilidad ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ng BuCor na ang nawawalang PDL ay nakita sa isang gusali na ginagamit para sa Alternative Learning System-Basic Literacy Program na nasa loob ng NBP.

Kinilala ng BuCor ang PDL na si Jonathan Villamor na nasa Dorm 6A ng Medium Security Camp.

Iniulat na nawawala si Villamor noong hapon ng Miyerkules matapos na magsagawa ng huling pagbibilang ng mga PDLs ang correctional officer.

Siya ay nakita ng 3:20 a.m. kahapon.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa nasabing pangyayari, ipinag-utos ni BuCor chief Gregorio Pio Catapang Jr. sa lahat ng corrections officers na magsagawa ng visual inspections sa PDLs kada limang minuto.