Planong magsagawa ng full building inspection ang National Bureau of Investigation sa isang three-storey building sa Brgy. San Isidro Makati City na sinalakay ng mga operatiba ng kanilang mga tauhan noong weekend.

Pinaniniwalaan ang naturang building na ilegal clinic ng mga pasyenteng Chinese and Vietnamese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, sakop lamang ng kanilang search warrant ang ground floor ng gusali, na nakarehistro bilang botika.

Aniya nang magsagawa ng raid noong sabado ay naroroon sa nasabing clinic ang dalawang Chinese at dalawang Vietnamese na pasyente, gayundin ang pitong Filipino staff, kabilang ang dalawang doktor na hindi nakipag cooperate sa mga ahente ng NBI.

Natagpuan din sa raid ang ilang Chinese medicine na hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA).

-- ADVERTISEMENT --