Sinabi ni US President Donald Trump na kasalukuyang isinasagawa ang negosasyon upang wakasan ang digmaan sa Iran, at naranasan ng mga taga Bahrain ang digmaan matapos tamaan ng Iranian missile ang isang military base.

Ayon sa Iranian Red Crescent, tinatayang 82,000 na lugar ang naapektuhan ng mga atake mula nang magsimula ang digmaan.

Sa kabila ng pahayag ni Trump, nananatiling mababa ang tiwala sa pagitan ng dalawang panig at limitado ang optimismo sa posibilidad ng agarang pagkakasundo.

Naglabas din ng babala ang Israel para sa agarang evacuations at ipinahayag na kokontrolin ng kanilang tropa ang malaking bahagi ng katimugang Lebanon bilang bahagi ng kampanya laban sa Hezbollah.