Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang City number 2 Most Wanted Person kahapon ng hapon sa Tuguegharao City.

Ang arestado ay edad 41 taong gulang, binata, at residente ng Piat.

Siya ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code kaugnay ng Republic Act No. 7610 na may inirekomendang piyansa na Php180,000.00; at Paglabag sa Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004).

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit – Provincial Drug Enforcement Unit (Lead Unit) sa pangunguna ni PLTCOL NORIEL U LACANGAN, Chief, PIU, katuwang ang Manhunt Charlie Tracker Team ng Tuguegarao Component City Police Station.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nakadetine sa Tuguegarao Component City Police Station habang hinihintay ang kaukulang proseso ng batas.

-- ADVERTISEMENT --

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa nasabing indbidual ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng mga awtoridad sa lalawigan laban sa mga taong nagtatago sa batas.