
Ibinahagi ni Senate Committee on Finance, Chairperson, Senador Win Gatchalian na mga pribadong sektor naman ang kanilang ipapatawag bukas at kabilang na rito ang mga oil companies, transport sector, food sector at maging ang ilang organisasyon.
Ayon kay Gatchalian, layunin ng pagharap ng mga ito na sabihin ang kanilang rekomendasyon para sa pagtugon ng krisis sa Pilipinas dala ng tensyon sa Middle East.
Bagamat ilang araw pa muna ang lumipas bago idineklara ang State of National Energy Emergency sa bansa, naniniwala ang senador na makakahabol pa ang pamahalaan sa pagbuo ng contingency funds at maging pagpapatupad nito.
Sa ngayon, batid ng senador na may iilang hakbang ng ginagawa ang gobyerno para rito.










