
Tinanggal sa kanyang puwesto ang Philippine Army training chief matapos na sabihin niya sa publiko na binabawi niya ang kanyang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang unang active duty officer ng Armed Forces of the Philippines na gumawa nito sa gitna ng flood control corruption scandal.
Sinabi ni Col. Audie Mongao: “As a Filipino, I am respectfully withdrawing my personal support to Mister Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. He has lost his moral ascendancy to lead the Armed Forces as Commander in Chief and govern the Filipino people as President of the Republic.
“Sobra na, tama na! The Filipino people is worth fighting for … Mabuhay ang Pilipinas!”
Gayunpaman, sinabi niya na pinagtitibay niya ang kanyang suporta sa AFP at sa estado bilang mandato ng Konstitusyon.
Sinabi ni Mongao, 1992 graduate sa Philippine Military Academy, na nasa active service siya sa loob ng 34 na taon.
Hindi malinaw kung saan at kung kailan ginawa ni Mongao ang kanyang mensahe.
Kaugnay nito, sinabi ng Malacañang na masusunod ang due process sa kaso ni Mongao.
Una rito, sinabi ni Army Training Command chief Maj. Gen. Michael Logico kahapon na tinanggal niya bilang Commander ng Training Support Group si Mongao epektibo noong gabi ng Huwebes.
Ayon sa kanya, naka-New Year’s break si Mongao at hanggang ngayon ay hindi siya ma-contact.
Nakaatang sa Training Command ang training at courses ng Army, gumagawa ng internal doctrines, nagsasagawa ng development studies at pinamumunuan ang markmanship programs.
Nakabase ito sa Camp O’Donell sa Capas, Tarlac.










