Sinira ng mga awtoridad sa Kalinga ang mga tanim na marijuana sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan kahapon.

Ayon sa PNP Tinglayan, binunot at sinunog ng mga operatiba ang nasa 5,000 na fully grown marijuana na may tinatayang halaga na P1 million.

Gayunman, walang nahuli na cultivator o nagtatanim ng marijuana sa isinagawang eradication operation.

Ayon sa PNP Tinglayan, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng commitment ng law encforcement agencies sa paglaban sa illegal drug activities at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.