Tinaasan na sa P20 million mula sa P10 million ang pabuya sa sinomang makakapagbigay ng mga impormasyon na magbubunsod sa pagkaka-aresto kay Atong Ang na may mga warrant of arrest kaugnay sa missing sabungeros.

Sinabi ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa isang press briefing.

Ang arrest warrants laban kay Atong Ang at iba pa ay dahil sa maraming bilang ng kidnapping with homicide at kidnaping with serious illegal detention may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Una na ring humiling ang mga awtoridad ng paglalabas ng red notice mula sa Interpol laban kay Ang.