TUGUEGARAO CITY- Wala umanong banta sa seguridad ang pagdaan ng mga dayuhang barko sa katubigan ng Region 2.

Sinabi ni Capt. Charlie Rances ng Philippine Coast Guard na nakakasakop sa katubigan ng buong rehion na ang malimit na nakikita na dumadaan sa katubigan ng rehion ay mga mula sa Taiwan.

Ayon kay Rances, nagpapaalam naman ang mga nasabing barko sa tuwing dadaan ang mga ito sa ating katubigan.

Idinagdag pa ni Rances na may magkakataon din na may tumitigil na mga barko sa mga katubigan dahil sa sama ng panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, maging ang mga ito ay nagpapaalam din sa mga kinauukulan kaya hindi maituturing na banta ang mga ito.

ang tinig ni Rances