Inihayag ni Police Brig. Gen. Nicolas Torre III na posibleng abutin ng isang buwan ang paghahanap sa masalimuot na kuwarto at mga daanan sa compund ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), ang lugar na pinaniniwalaan na nagtatagosi Pastor Apollo Quiboloy.

Gayonman, inamin ni Torre na wala ring katiyakan ito na mahahanap nila ang mailap na pastor na wanted sa sexual abuse, child abuse at human trafficking sa mga korte sa Davao City at Pasig City.

Sinabi ni Torre na sa ika-11 araw ng paghahanap kahapon, nalito at nawala ang mga pulis dahil sa hindi sila pamilyar sa layout ng mga gusali sa compound.

Dahil dito, hinati niya sa tatlo ang search team.

Idinagdag pa niya na para mapabilis ang paghahanap, tinawag nila ang builders ng KJC structures upang magbigay ng impormasyon sa mga otoridad.

-- ADVERTISEMENT --