Tuguegarao City- Namahagi ng relief goods ang pamilya ng isang pulis bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak sa bayan ng Abulug, Cagayan.

Sa panayam kay PCMSGT Alejandro Romina, imbestigador ng PNP, Abulug, pinili aniya nilang tumulong bilang bahagi ng celebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak na si Angelica sa gitna ng epekto ng umiiral na enhanced community quarantine.

Aniya, napagkasunduan nila itong gawin upang maiwasan ang pagtitipon sa birthday party at hindi malabag ang ipinatutupad na social distancing.

Sinabi pa ni Romina na masaya ang kanyang anak na nakatulong sa higit na mga nangangailangan lalo na ngayong kasagsagan ng banta ng COVID-19.

Muli pa nitong hinikayat ang lahat ng mga nakakaangat sa buhay na tumulong sa mga nangangailangan at apektado sa umiiral ang ECQ

-- ADVERTISEMENT --